AKO SI TUNAY NA PAG-IBIG

"Ayoko ng SAGO sa MILKTEA. Bumili ako para uminom hindi para mapagod ngumuya.

Kunwari sobrang deep ng mga post ko."
"BORING KA KUNG WALA KANG KWENTO"


Personal - Top Blogs Philippines


E-mail me at: crislumanglas@rocketmail.com

ANG MGA POKPOK NG CYBERWORLD

Sobrang negatibo kapag binansagan kang famewhore. Para kang malalang epidemya ng Internet world. Hayok sa kasikatan. Papansin. Epal. Kulang na lang palitan ang araw para sumikat. Kulang na lang magbigti para tingalain. Sabi nga ni Boy Abunda, “Ikaw nahhh!”

Hindi natin alam kung anong pinagdaanan ng isang tao kung bakit sila nagkaganyan. Maaaring matagal na silang humihingi ng atensyon sa mga tao sa paligid nila simula pagkabata pa lang pero pinagkaitan. Maaaring naghahanap lang ng pang unawa at pag sang ayon mula sa karamihan dahil mas marami ang oras na hindi sila maintindihan. Napakaraming dahilan pero hindi natin yun alam. ( “Psychology ako.”— Marian Rivera ) Kaya hindi natin dapat sila basta basta hinuhusgahan sa kung anong nakikita at napapansin natin. May karapatan tayong mainis. Pero tulad mo at tulad ko, wala kang karapatang magmalinis. 

Magalit ka sa mga kriminal, sa mga kurakot, sa mga malalandi, sa mga manloloko. Pero ang magalit at ubusin ang oras mo sa kanila, isa lang ang ibig sabihin niyan.  Famewhore ka din. Simpleng pasikat. Marahil is a ka dun sa mga taong pinangarap maging famous pero nabigo. At ikaw ang mas nangangailangan ng guidance counseling.  ( “Psychology ako.”— Marian Rivera ) 

May isang bata, Nagpaka valedictorian nung high school, hanggang sa naging cumlaude nung college. Ginawa niya yun para makilala at matanggap siya ng magulang niya. Ngayon, anong pagkakaiba nun dito eh ang gusto lang din naman nila ay makilala ng ibang tao? Masyado lang isinasapubliko.  Lahat tayo, gusto nating maging kilala sa iba’t ibang paraan. Sa iba’t ibang aspeto. Lahat tayo, famewhore. Yun nga lang, hindi pa tayo sikat kaya hindi pa masyadong big deal sa side ng iba.

Hindi naman siguro ganung kasama ang maghangad ng kasikatan. Hindi mo naman ibinababa ang ibang tao. Iniaangat mo lang ang sarili mo. 

Minsan kase, ang ginagawa nating basehan ng salitang ‘sapat at okay lang” ay ang sarili din natin. Kaya siguro, ang tingin natin sa kanila ay ‘sobra na.’ Yun lang yun. 

Hindi mo alam kung ano sila sa likod ng internet. Kung anong mga pinagdaanan nila kung bakit sila humantong sa ganyan. Isang mukha lang ang nakikita mo pero ang kabuuan ng pagkatao nila, hindi mo alam. 

  1. whannafightforlove reblogged this from cutenamakulit
  2. cutenamakulit reblogged this from israelmekaniko
  3. batangmarkulet reblogged this from israelmekaniko
  4. malandinggorgeous reblogged this from israelmekaniko
  5. iittaann reblogged this from israelmekaniko