AKO SI TUNAY NA PAG-IBIG

"Ayoko ng SAGO sa MILKTEA. Bumili ako para uminom hindi para mapagod ngumuya.

Kunwari sobrang deep ng mga post ko."
"BORING KA KUNG WALA KANG KWENTO"


Personal - Top Blogs Philippines


E-mail me at: crislumanglas@rocketmail.com

LIKE MO MUKA MO.

Naiinis ako kapag ginagawang basehan ang LIKES sa FB para makakuha ng mataas na grade sa project at para manalo sa kung anu anong contest na yan. Hindi ako naiinis sa mga taong nagpapalike, wala silang kasalanan dun. Kumbaga biktima lang sila ng kung sinumang abnormal na taong may pakana ng lahat ng yon. Ang nagiging dating tuloy, kailangan marami kang kakilala, kaibigan, at kalandian sa internet para makapasa ka. Tapos magtataka sila kung bakit dumarami ang populasyon ng malalandi sa mundo. At ito ay dahil “Kailangan kong lumandi sa internet para sa grades. Para makakuha ng madaming LIKES.” Ginawa tuloy excuse ang kalandian. Lusot.

Minsan nga, kung sino pa yung maganda at karapat dapat manalo, siya pa yung natatalo. At ang nananalo, siyempre, yung madaming nahakot na likes. Pano na lang kung introvert ka, tapos wala ka pang internet sa bahay dahil nakikisagap ka lang ng wifi sa kapitbahay? Kung ganun din lang ang batayan ng kagandahan ng isang babaeng sasali sa contest eh bakit hindi na lang sila isabit sa palengke na maraming tao tapos padamihan na lang ng palakpak?

  1. kjthethinker reblogged this from israelmekaniko and added:
    ^This!!!
  2. kapitanbimbo reblogged this from israelmekaniko