AKO SI TUNAY NA PAG-IBIG

"Ayoko ng SAGO sa MILKTEA. Bumili ako para uminom hindi para mapagod ngumuya.

Kunwari sobrang deep ng mga post ko."
"BORING KA KUNG WALA KANG KWENTO"


Personal - Top Blogs Philippines


E-mail me at: crislumanglas@rocketmail.com

HART HART: YUNG BABAENG MAY BUHOK SA KILIKILI

Sabi ng nanay ko, wag daw akong tumingin sa panlabas na kaanyuan ng isang tao. Ginawa ko yun oo. Kaya itinaas ko yung kamay niya at tiningnan ang ilalim ng kanyang braso. Pero paano ko gagawin yun kung may nakaharang na buhok sa kanyang kilikili? Kailangan ko pang hawiin at halughugin ganun?

Yung kapag itatas nila yung kamay sa jeep, parang may bigla na lang dumudungaw na antenna ng ipis sa sleeve. Iniisip mo na, "Astig. May tattoo sa braso." Akala mo namalikmata ka lang pero kapag tiningnan mo ng mabuti, buhok.sa.kilikili. Kaya pala parang gumagapang at naghehello. Creepyyy. #ShortHorrorStory

Minsan, kapag nakakakita ako ng babaeng malago ang buhok sa kilikili, iniisip ko na lang, "Ahh. Baka defense na ng thesis nila bukas. Stress lang."  Pero kapag napatitig ulit ako sa kilikili niya at second sight, hindi ko maiwasang mapa- "Wtf. Mas inuna pa niya yung paggawa ng napakadaming loombands sa braso niya kesa magshave."

Kung may panahon sila para maglagay ng eyelash extension kapag nagmamake-up, bakit kailangan pa nilang idamay pati yung buhok nila sa kilikili? Kung sabagay, kanya-kanya lang naman yan.

Pero pwede din naman nating sabihin na ang mga babaeng hindi nag-aahit ng buhok sa kilikili ay isang proof ng “women empowerment”. Self-defense nila yun para sa mga manyak na lalaki na ang fetish ay makikinis na underarm. Pero hindi ko pa rin talaga maiwasang maturn-off, sorry.

Kaya crush, kung mababasa mo ito. Palagi mo itong tatandaan; Kahit palaguin at payabungin mo ang mga buhok mo sa kili-kili, walang mamumukadkad na flower diyan. Okay?

Tuesday, September 30, 2014

PARA SA LAHAT NG MAY TUMITIBOK NA MASKELS SA KALIWANG DIBDIB

Malay mo yung true love mo, nakatakda mong makasabay sa LRT ngayong araw pero pinanalangin mong sana wala na lang pasok dahil ang lakas ng ulan. Malay mo, siya yung dati mong crush na hindi ka naman pinapansin kaya lumandi ka na lang sa iba. Malay mo, siya yung nafriendzoned mo dahil saksakan ka ng choosy at ang hilig mong magmaganda. Malay mo siya pala yung lagi mong sini-seen kapag nachachat siya sa FB dahil ang pangit ng kanyang DP. Malay mo siya yung nasa pending request mo 3 years ago pa. Malay mo dumaan na pala siya sa harap mo pero bigla kang yumuko dahil nahulog yung barya mo. Or yung naka one night stand mo 2 weeks ago. Or baka naman yung malamig na pizza sa ref na kailangan lang i-microwave. Malay mo siya yung lagi mong kasama pero hindi mo napapansin dahil nagpapakatanga ka sa iba. Malay mo, nasa’yo na pala siya, pero pinakawalan mo pa.

Minsan hindi mo alam kung padating pa lang ba o pinalampas mo na yung nag-iisang pagkakataon para makilala mo siya. Hindi mo alam kung kusang darating o kelangan lang hanapin.

Ang mundo ay binubuo ng mga random na kaganapan. May tamang taong darating pero sa maling oras at pagkakataon. Minsan, maling tao pero sa tamang pagkakataon. Minsan, hindi synchronized sa gusto nating mangyari. Shit happens right? Everything happens for a reason? Siguro oo. Pero hindi masamang magreason-out. ( Malay mo lumusot.)

Pero palagi mong tatandaan na wala yan sa soulmate. Wag mong iasa sa malanding kaluluwa mo na siya yung gagawa ng first move.  Wala din yan sa destiny, nasa desisyon mo pa rin yan. Wala yan sa fate, nasa faith yan. Wag kang puro #TiwalaLang. Bitch please, umeffort ka din.

Ano ba’t darating pa rin yung araw na makikita mo yung taong magpapaintindi sa’yo kung bakit ‘di nagwork-out ang mga bagay-bagay dati. Yung pareho niyong sasabihin na,

"Tung-inuhhh. Kinaya natin oh! Ang astig natin!!  :) "

 

Sunday, September 28, 2014

HUSTISYA PARA SA PICTURE KONG PA-CUTE PLEASE

image

Feeling ko mukha namang karesperespeto yung pinost kong picture sa likod ng skating rink. Unang-una, hindi naman ako naglililiyad sa yelo na parang pornstar. Pangalawa, hindi ako nagpakita ng flesh, hindi ako nagfflex ng maskels at hindi ko pinapakita ang future abs ko. Bakit nagawa ni koya ang mga ganitong bagay-bagay?

  • Pwede naman niyang sabihin sa maayos na paraan like "Permision to post: Sir, Malugod ko kayong iniimbitahan para mag-tooot* sa yelo. Dulot lamang po ito ng matinding pangangailangan." Pero siyempre, ayoko pa rin. Say please dapat.
  • Hindi ba niya naisip na kaya ko namang gawin yun mag-isa at hindi ko kailangan ng tulong ng kahit na sino? Kung kaya kong tumayo sa sarili kong paa, kaya ko ring mag-tooot* gamit ang sarili kong kamay.
  • Bakit sa dinami-dami ng place dito sa earth mas gusto niyang mag-toot* sa yelo? Gusto ba niyang magfeeling Queen Elsa habang naglelet it go siya? 
  • Marahil, kasalanan ito ng lumulubog na ekonomiya ng ating bansa, dahil kung nakakakain lamang si kuya ng apat na beses sa isang araw hindi niya magagawa ang karumal dumal na bagay na ito.
  • Pero okay lang. Mas mabuti ng mag-toot* sa yelo kesa humithit ng rugby sa lansangan. Pero sana man lang wag na niyang idamay ang picture kong 20x kong pinagpraktisan para magkaron ng killer smile. Hustisya naman dun please.
  • Pero srsly, marami ang nagsasabi na ang ultimate turn on daw para sa iba ay yung lalaking honest. Yung hindi marunong mambola at kayang sabihin at isigaw ang tunay nilang nararamdaman. Pasok naman si koya sa qualifications niyo right? Honest kaya siya.
Thursday, September 25, 2014

WuhtPad Presents: MS. CONYO MEETS MR. PATAY-GUTOM

Habang abalang-abala ang mga maskels ko sa pagkagat at pagnguya sa kinakain ko, bahagyang nabulabog ang aking eating momentum nang may nagsalitang babae sa kaliwa ko na mukhang kadarating lang, 

"Kuya, what’s your best-seller here ba? I’ll make order."

Itinuro ni Kuya yung best-seller.

"Okay. Pa-hurry ha. I’m so nagmamadali. Thanks."

Napatingin sa’kin si kuya. In short, nagkatinginan kami. Dahil hindi ko naman makikitang nakatingin siya sa’kin kung hindi din ako nakatingin di ba? Tapos napatingin ako kay ate. Pero ibinaling ko agad yung tingin ko dun sa kinakain ko dahil ramdam kong anytime, titingnan niya din ako pabalik. ( Tapos magkakatitigan kami hanggang sa may mamuong feelings hanggang sa sabihin kong, “Pag-ibig na ba ituu?” ) So, pinagana ko na lang yung left peripheral ng mata ko. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang kuko niya sa paa na may ingrown at purple na cutics. Mukhang hindi siya marunong magbalat ng patatas.

"Kuya, you have tissue?"

Napaisip ako. Itinaas ko saglit yung order ko at tinitigan ng mabuti sabay tingin dun sa inoorder ni ate. Halos wala namang pinagkaiba. Lumayo ako saglit, tiningnan ko ulit yung kinakainan ko para sure habang hawak yung order ko.

Tungunu. Nasa Fishbolan lang kami dito sa talipapa. De-padyak lang si kuyang magtitinda ng fishbol. Pareho lang yung lasa ng fishbol namin. Annong pinaglalaban mo, ate.

Tuesday, September 23, 2014

UNIVERSAL CODE NG MGA CERTIFIED ‘DRAWING”

#1 “Di ako sure eh…”

Pero bago niya sabihin yan, itatanong muna niya isa-isa kung sinong mga kasama and she be like, "Eh? Wala pala akong lalandiin dun. Katamad." 

#2 “Sige, txt-txt na lang.”

Lakas ng loob magsabi ng txt-txt lang pero kapag ka-orasan na hindi na nagrereply tapos hindi na din sinasagot ang tawag. Kinabukasan, magttxt na lang, “Friend! Musta yung lakad niyo kahapon? :) ” Letche

#3 “Biglaan kasi, sorry.”

Pero kapag nagtxt yung jowa niya ng, "Bae. Punta ka dito house kaaalis lang nina mama. Dala ka food.", hahamakin ang lahat sa ngalan ng kalibugan at intense na laplapan. Pakyu to the moon and back.

#4 “Try ko humabol ha?”

Wow. Wagas makapaghabol sa pangit niyang ex pero pagdating sa galaan, i-ttry humabol. Ipahabol kaya kita sa ostrich?

#5 “Try ko magleave sa work.”

Oo at hindi lang naman ang isasagot, paaasahin pa. Tipong future niya versus friendship niyo. Nangonsensya pa tapos drowing din naman. 

#6 “Wala akong pera.”

Tapos kapag sinabing, "Okay lang, libre ko" Biglang, "Wat taym? Miss ko na kasi kayo sobra." Sarap pektusan sa large intestine.

#7 “On the way na akooo.”

Tipong, pupunta nga sa tagpuan pero sobrang late naman. Tapos sasabihin, "Atleast, nagpunta kahit late di ba?" Utang na loob ko pa ganun? At kasalanan pa naming lahat kung bakit kami maaga?

#8 “I’ll try my best.”

Tapos kapag sinabi mong. "Maraming pogi dun." Bigla na lang siyang magttxt ng, "Nag-aabang na ako ng taxi, wait lang. Ay puta!! tinatakbo ko naaa!!"

#9 “Papaalam muna ako sa bahay.”

Okay goodluck ha. Sana payagan ka ng bahay niyo.

#10 “Lapit na ako.”

Pa-Almost there. Yung nakailang txt ka na kung nasaan na siya pero ang palaging reply "Lapit na ‘ko."  Kulang na lang replyan mo ng, "Lapit ka na sa kabilang buhay?" Tapos bigla na lang nagkaroon ng emergency sa bahay dahil naputol daw yung loomband bracelet ng lola niya. Tungunuh.

Bitch please. Walang PAG-ASA sa mga taong PAASA. 

 
1 of 764
Next page